Ang Ating Likas na Yaman
6:27 AM
Ang mga likas na yaman na mayroon tayo ay tubig, lupa, mga hayop, mga halaman at mga mineral. Ang ating likas na yaman ay isa sa pinakamahalagang bagay na kinakailangan natin sa buhay. Lahat ng mga ito ay mahalaga na talaga namang kailangang kailangan natin. Kailangan natin ng tubig para mayroon tayong pang-inom, panligo, panghugas, pandilig sa mga halaman at panlinis; Kailangan rin natin ang lupa at mga halaman dahil ang lupa ang tumutulong sa mga halaman upang mabuhay ito at makagawa ng pagkain; tulad ng mga halaman kinakailangan rin natin ang mga hayop dahil nakapagbibigay sila ng mga produktong maaaring kainin.
Nasira na ang mga likas na yaman ng ating mundo dahil sa mga ginagawa ng mga tao ngayon, gaya ng hindi pagpapahalaga at pangangalaga sa mga ito. Mas lalo itong nasisira dahil tayo ay gumagawa ng mga bagay na illegal. Unti-unti nating inuubos ang mga likas na yaman. Tayo ay hindi sumusunod sa mga batas na itinatag upang umayos ang ating mundo.
Tignan natin ang ating kalikasan. Unti-Unti nang nawawala ang mga ito. Ngayon alam na natin ang kahalagahan ng mga likas na yaman , huwag na nating hayaan na masira ito ng tuluyan. Kayang-kaya pa natin itong maagapan sa pamamagiran ng pagtitipid at pangangalaga para sa mga susunod na henerasyon. Kung magsisimula na tayo ngayon, unti-unti aayos ang ating mundo.

0 comments